Quezon Police Provincial Office, Camp Guillermo Nakar, Lucena City – Walong (8) Most Wanted Persons, walang takas sa Quezon Pulis sa isang araw na malawakang operasyon sa buong lalawigan kontra kriminalidad.

Sa inilatag na magkakahiwalay na manhunt operations, kabilang sa mga naaresto ang kinilalang Most Wanted Person City Level Ranked # 2 ng Tayabas City sa kasong paglabag sa RA 10883 (New Anti-Carnapping Law) ng Tayabas PNP sa Brgy Baguio Tayabas City at (1) MWP Municipal level Ranked # 5 sa kasong Violation of RA 7610 (Lascivious Conduct) ang naaresto ng Pitogo PNP sa Brgy Pag asa, Pitogo, Quezon. Sa kahiwalay na mga operasyong kontra MWP, arestado din ang (2) MWP sa Re-service of Warrant para kasong Robbery sa Sitio Kumunoy, Brgy Minahan Sur, Gen Nakar, Quezon (General Nakar PNP) at (2) MWP sa kasong PD 1602 (Illegal Gambling) sa Brgy Biyan, Calauag, Quezon (Calauag PNP). Sa kaparehong pagsasagawa ng operasyon, nadakip naman ang (2) pang MWP sa magkakaibang kaso na Theft (Lucban PNP) sa Sitio Malapia, Brgy Samil, Lucban Quezon at Slight Physical Injury (Lopez PNP) sa Brgy Hondagua Lopez, Quezon.

Ang pagkakaaresto sa mga suspek ay naisagawa batay sa mga nakaisyung Warrant of Arrest mula sa kanila ng Hukuman ng paglilitis ayon sa kanilang paglabag at mga isinagawang Community Mobilization Programs inuugnay sa pamayanan.
Ganun din naman, sa kasalukuyan sila’y nasa ilalim ng pangangalaga ng mga responsableng stasyon para sa tamang dokumentasyon, proseso ng paglilitis ayon sa kanilang krimen nagawa.

“Life is beautiful.. Kaligtasan Niyo Sagot ng Quezon PPO” hango sa batayang Peace and Order Framework sa katagang ito, ang buong tanggapan ng Quezon PPO ay tuwirang magpapatupad ng tama at walang kinikilingang batas kaisa sa mandato ng buong organisasyon sa pagpapanatili ng katahimikan, kaayusan, at kapayapaan ng bansa. Kaya naman bilang sagot, walang humpay na maglalatag at gagampanan ng Quezon Pulis ang mga tungkuling nakaatang ng higit pa sa sinumpaan. Ang matagumpay na paglaban sa kriminalidad ay bunga lamang ng ating pakikipagugnayan sa komunidad at sa kanilang pagbibigay ng aktibong suporta para sa ating mga kampanya at programang pinapaabot nakabatay sa serbisyo-publikong pantay at mapagmalasakit.” tuwirang pahayag ni PCOL LEDON D Monte, Officer-In-Charge ng Quezon PPO.

pioquezon

LifeIsBeautiful

KaligtasanNyoSagotKo

TulongTulongTayo

MKKequalsK

PNPkakampiMo

TeamPNPCALABARZON

Pages: 1 2 3

Leave a comment

Trending