Quezon Police Provincial Office, Camp Guillermo Nakar, Lucena City – Ngayon araw, ika-9 ng umaga, petsang Oktubre 11, 2022 ginanap ang pagsasagawa ng Turn-Over of Office Ceremony para sa bagong matatalagang Hepe ng Pulisya ng Catanauan, Pitogo, at Unisan Municipal Police Station sa QPPO Conference Room, Camp BGen Guillermo P Nakar, Lucena City, Quezon.


Pormal na napasimulan ang seremonya sa isang pagpapahayag ng Pambungad na Pananalita na nagmula kay PLTCOL ALEXIS OLIVER V NAVA, DPDA, Quezon PPO. Ganun din naman, ang nasabing aktibidad ay dinaluhan at nasaksihan ng mga QPPO Staff/s at personnel.


Ang pagbabasa ng Relief and Designation Orders ay pinangunahan ni PLTCOL BONNA A OBMERGA, Chief PARMU. Nasundan naman ito ng Turnover ng Unit Symbol, Property and Equipment Inventory Book at pagbibigay ng mga sertipiko ng pagkilala sa pamamagitan ni PCOL LEDON D MONTE, Officer-In-Charge ng Quezon PPO bilang presiding officer.


Sa naturang seremonya ay pinarangalan sina PMAJ NICANOR F VILLAREAL, PMAJ LAURO L MORATILLO, at PCPT LINDLEY S TIBUC ng Sertipiko ng Pagkilala bilang tanda ng kanilang hindi matatawarang pagserserbisyo sa pagpapanatili sa seguridad at kapayapaan ng kanilang nasasakupan lalo’t higit para sa ikakabuti ng mga mamamayanan ng Unisan, Pitogo, at Catanauan, Quezon sa loob ng kanilang dedikadong pamumuno at pagseserbisyo. Samantala, ang isinagawang seremonya ay siya namang nagsilbing bagong hamon para ipagpatuloy at maisakatuparan ang mga mandato at direktiba ng nakaatang sa mga bagong talagang hepe ng kapulisan na sina PMAJ RAUL DP ABENILLA, PMAJ DANILO P MERCADO, at PCPT HUBERT REUBEN D JABRICA sa Catanauan, Pitogo, at Unisan Municipal Police Station.


Binigyang diin naman ni PCOL MONTE, OIC, Quezon PPO sa kanyang gabay mensahe ang tuwirang pagpapatupad at pag-uugnay ng pangunahing mandato ni C, PNP PGEN RODOLFO SANTOS AZURIN JR “Malasakit + Kaayusan + Kapayapaan = Kaunlaran” na kanyang binatayan ng 7-points Agenda ni Regional Director, PBGEN JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR para lubusang mapangasiwaan at maging gabay sa pagdadala ng layunin ng mga programang angkop dito at sa pangkabuuang pagbabagong organisasyon ng Pambansang Pulisya.


Gayon din, binigyang niyang paalala at importansya ang tahasang pagsunod at pagpapalawak ng Revitalization of PNP “KASIMBAYANAN” (Kapulisan, Simbahan at Pamayanan) na tutuon sa Espirituwal at Moral na paghubog sa mga tauhan ng PNP tungo sa pagkamit ng Mission at Vision ng PNP. Dagdag din ni PD MONTE, “bilang alagad ng batas at Hepe ng kanilang nasasakupan, nararapat na mabantayan at masubaybayan nila ang pagbibigay ng bawat kapulisan ng tapat at maaasahang publiko-serbisyo na marunong magpahalaga sa esensya ng buhay at pagsunod ng tama sa rule of the law.”
###pioquezon (Edjun)

#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPkakampiMo



Leave a comment

Trending