Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang 5 suspek sa kasong “Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 o “Human Trafficking” bandang alas 4:00 ng umaga Oktubre 13, 2022, sa Binan City, Laguna.


Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Officer-In-Charge, Laguna PPO ang mga suspek na sina Angelo B Ermita, consultant ng lady of the night henry 888 Restobar, 48 yrs old, residente ng Biñan City,Laguna, Alfonso V Tanjuaquio, pimp, residente ng Biñan City, Laguna, Mark Randy A Gondranios, stay in employee, residente ng Tondo Manila, Leian E. Bautista, lady keeper sa lady of the night henry 888, residente ng Sta Rosa, Laguna at Jerick A Quijano, lead waiter sa lady of the night henry 888 Restobar, residente ng Muntinlupa City.


Ayon sa report ng Binan City Police Station, nagsagawa ng joint inspeksyon at rescue operation ang mga tauhan ng Biñan CPS at PSOU Laguna PPO kasama ang Binan City Social Welfare and Development sa Lady of the Night Henry 888 Restobar sa Brgy. Canlalay, Binan City, Laguna na nagresulta sa pagkakaaresto sa 5 Human Trafficking suspek at pagsagip sa walong babaeng biktima.


Ang mga suspek ay itinurn-over sa WCPD Section para sa tamang disposisyon at dinala sa Ospital ng Biñan para sa physical examination.


Ang mga naarestong suspek ay kasalukuyang nasa piitan ng Binan City Police Station at kaugnay nito, inihahanda na ngayon ang mga dokumento para sampahan ng kaukulang kaso laban sa mga 5 suspek.


Samantala, kaparehong kaso rin ang isasampa sa may ari ng Lady Night Henry 888 Restobar, na si Milagros S Ausan, residente ng Biñan City,Laguna.


Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Bilang pagpahalaga sa ating mga kakabaihan, hindi natin hahayaan ng samantalahin ng mga human traffickers ang karapatan ng ating mga kababaihan. Ang tagumpay na ito ay sa pamamagitan ng ating Barangay Intelligence Network kasama ang pwersa ng Laguna PNP at Binan City Social Welfare and Development.” (Edjun Mariposque)

#gtgtalampas
#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#pnp4a





Leave a comment

Trending