Dahil sa mas pinaigting na kampanya kontra kriminalidad ng Quezon Pulis arestado ang isang lalaki sa inilatag na Search Warrant Operation ng Sampaloc PNP sa Barangay San Isidro, Sampaloc, Quezon para sa kasong paglabag sa RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”, petsang Oktubre 13, 2022.


Batay kay PCOL LEDON D MONTE, Officer-In-Charge ng Quezon PPO, bandang 11:30 ng umaga petsang kasalukuyan nang maaresto ang suspek sa kaniyang tahanan na kinilalang si LUISITO ABCEDE SALAYO, 76 y/o, retired Philippine Army, at kasalukuyang residente ng Barangay San Isidro, Sampaloc, Quezon.


Nadakip si Luisito batay sa operasyong isinagawa sa bisa ng Search Warrant Order with SW number 2022-03 na isyu ni Hon. Judge DONALD S. UY, Presiding Judge of Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Mauban, Quezon at inilabas petsang October 12, 2022 dahil sa Violation of RA 10591.
Ayon naman sa naitalang ulat ng operasyon, nakumpiska sa posesyon ng naturang suspek ang mga sumusunod: (1) cal.38 revolver (smith and Wesson), (230) piraso ng Caliber 5.56 live ammunition, (14) piraso ng Caliber 38 live ammunition, (3) piraso ng Cal super 38 live ammunition, (7) piraso ng magazine ng cal 5.56, (2) piraso ng magazine ng carbine at (1) piraso ng bandolier.


Ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspek ay natala sa tulong ng Alternative Recording Device (ARD) at naangkupan ng tamang pagpapabatid ng karapatang pangkonstitusyon (Miranda Doctrine and Anti-Torture Warning) na kung saan nasaksihan sa presensya ng Brgy Officials ng nasabing lugar ng operasyon. Sa kasalukuyan siya ay nasa pangangalaga ng Sampaloc PNP Custodial Facilities para sa tamang dokumentasyon at proseso ng paglilitis.


Gayundin naman, ang matagumpay na operasyong ito ay mula sa resulta ng isang pinaigting at aktibong pakikipag-ugnayan sa pamayanan sa pamamagitan ng Community Mobilization Programs (CMP) at validated Barangay Intelligence Network (BIN) ng mga kapulisan ng Quezon.
“Kami ay tahasang magbabantay at magpapatupad ng batas na adhikai’y panatilihihn ang kaayusan at kapayapaan ng buong pamayanan ng probinsya ng Quezon. Magiging tapat at pantay tayo laban sa anumang uri ng ilegalidad at susunod ng naaayon sa rule of the law. Ang bawat resulta ng ating mga matagumpay na operasyon ay bunga mula sa epektibong pagpapaabot ng isang maaasahang serbisyo-publiko ng Quezon Pulis upang sa higit na ikakabuti ng bawat mamamayan at pag-aalis ng banta sa pag-unlad ng bayan. Inilalatag din natin ang mga operasyong mapagsulong tungo sa ating road map ng 7-Points Agenda ni Regional Director PRO4A, PBGEN JOSE MELENCIO C NARTATEZ kaugnay sa MKK=K (Malasakit, Kapayapaan, Kaayusan = Kaunlaran) Peace and Order Framework ng ating Chief PNP PGEN RODOLFO S AZURIN JR.” tuwirang ika ni PCOL LEDON D MONTE, Officer-in-Charge ng Quezon PPO (Edjun Mariposque)

pioquezon

LifeIsBeautiful

KaligtasanNyoSagotKo

TulongTulongTayo

MKKequalsK

PNPKakampiMo

TeamPNPCALABARZON





Leave a comment

Trending