Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang dalawang (3) Street Level Individual (SLI) sa isinagawang Buy bust Operation ng Calamba PNP kahapon Oktubre 14, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Officer-In-Charge, Laguna PPO ang suspek na sila Nester Butial De Vera alias Nester, Raquel Dadaya Dizon alias Raquel at Mark Leo Pullos Manalo alias Leo pawang mga residente ng Calamba City, Laguna.

Sa ulat ng Calamba City Police Station nagkasa sila ng magkahiwalay na buy-bust operation kahapon Oktubre 14, 2022 at nag resulta sa pagkaaresto nila alias Nester at alias Raquel sa ganap na 2:42 ng hapon sa Purok 5, Brgy. Pansol, Calamba City, Laguna matapos matagumpay na makabili ng hinihinalag illegal na droga ang mga awtoridad na nagpanggap na poseur buyer kapalit ang buy bust money.

Nakumpiska sa mga suspek ang apat (4) pirasong plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang illegal na droga na may timbang na aabot sa 1 gramo na tinatayang nagkakahalagang Php 6,800.00 pesos, isang (1) coin purse, isang (1) piraso Php 500.00 pesos ginamit na buy-bust money at dalwang (2) piraso Php 100.00 pesos pinaghihinalaang drug money.

Sa mantala arestado din si alias Leo sa ganap na 06:04 ng hapon Oktubre 14, 2022 sa Purok 1, Brgy. Bucal, Calamba City, Laguna. Sa hiwalay na operasyon ng Calamaba pulis matapos matagumpay na makabili ng hinihinalag illegal na droga ang mga awtoridad na nagpanggap na poseur buyer kapalit ang buy bust money.

Kumpisakado naman sa suspek ang apat (4) pirasong plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang illegal na droga na may timbang na aabot sa 1.2 gramo na tinatayang nagkakahalagang Php 8,160.00 pesos, isang (1) coin purse isang (1) piraso Php 500.00 pesos ginamit na buy-bust money at tatlo (3) piraso Php 100.00 pinaghihinalaang drug money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CPS ang mga naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ibidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination at nahaharap ang mga suspek sa kasong R.A 9165 Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Sa tulong ng mga mamamayan ng Laguna ay masmabilis naisasagawa ang mga operasyon kontra droga sapakikipag tulungan po ninyo ay magiging masmayaos,tahimik at Ligtas ang Lalalawigan ng Laguna.”#gtgtalampas

#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#pnp4a





Leave a comment

Trending