Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang dalawang Indibidwal habang patay naman ang isapa nilang kasamahan at sugatan naman ang isang pulis sa isinagawang Buy-bust Operation ng San Pedro PNP kaninang madaling-araw Oktubre 16, 2022.


Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Officer-In-Charge, Laguna PPO ang mga suspek na sina Mark Gregor alias kapre, Roxy Solidad at si alyas Ulo nasawi sa naging operasyon.
Sa ulat ng San Pedro CPS nagkasa sila ng isang buy-bust operasyon sa ganap na 12:36 ng madaling-araw Oktubre 16, 2022. Ayon sa mga awtoridad matapos nilang mahuli at maiproseso para sa imbentaryo sina alias kapre at Roxy ay dumating si alias Ulo na kasamahan ng dalawang naunang nahuli.

Nang nalaman ni alias Ulo na mga pulis ang humuli sa kanyang mga kasamahan ay bigla na lamang nitong pinagbabaril ang mga awtoridad. Matapos ang pamamaril na yon ay nagtamo ng sugat ang isang pulis at dito na ay dumepensa ng putok ang ating mga kapulisan na nag resulta naman sa pagkasawi ni alias Ulo.


Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Patuloy pong gagawin ng mga Kapulisan ang kanilang mga sinumpaang tungkulin kahit na alam naming na ito ay mapanganib. Asahan ninyong ang inyong mga kaligtasan ay ang aming prayoridad.”

#gtgtalampas
#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#pnp4a





Leave a comment

Trending