Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang Rank no. 4 Most Wanted Person City Level sa Manhunt Operation ng Cabuyao Pulis kahapon Oktubre 18, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Officer-In-Charge, Laguna PPO ang akusado na si Wilfredo Cabrera residente ng Cabuyao City, Laguna.

Sa ulat ng Cabuyao City Police Station ay nagkasa sila ng manhunt operation na nagresulta sa pagka aresto ng akusado sa ganap na 8:03 ng gabi oktubre 18, 2022 sa Purok 2, Barangay Mamatid, Cabuyao City, Laguna. Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hon. Arnold Rimon Martinez, Presiding Judge, Regional Trial Court Branch 108, Cabuyao City, Laguna. Nahaharap sa kasong Homicide (2 counts) ang nasabing akusado na may pyansang nirekomenda nagkakahalagang (Php72,000) kada kaso.

Ang arestadong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Cabuyao City Police Station habang ang korteng pinagmulan ng Warrant of Arrest ay iimpormahan sa pagkaaresto ng akusado.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Sa mga impormasyon na ibinibigay ng mga mamamayan ng Laguna ay mabalis natutukoy ng Laguna PNP kung saan nag tatago ang mga maypananagutan sa batas. Na siyang nagreresulta sa mabilisang pagkahuling mga akusado ito.”#gtgtalampas

#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#pnp4a





Leave a comment

Trending