Nasakote ng pinagsamang pwersa ng Laurel Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit-BPPO, at 2nd Batangas Provincial Mobile Force Company sa kanyang pinagtataguan ang isang babaeng wanted sa kasong carnapping dakong alas 9:51 ng umaga ngayong araw ng Miyerkules, October 19, 2022 sa Brgy. Poblacion 2, Laurel, Batangas.

Base sa ulat ni Batangas PPO Officer-In-Charge PCOL PEDRO D SOLIBA kay PRO CALABARZON Regional Director PBGEN JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR., nakilala ang nagtagong suspek na si Maricel Tamayo, 40 taong gulang, walang trabaho at residente ng Brgy. Leviste, Laurel, Batangas. Siya ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa R.A. 6539 o “Anti-Carnapping Act of 1972 na iniisyu mula sa 4th Judicial Region, Regional Trial Court Branch 3, Batangas City, Batangas noong September 28, 2022 na may kaukulang piyansa na nagkakahalaga ng P300,000.00.

Si Tamayo ay tinaguriang most wanted sa buong probinsya ng Batangas. Base sa background ng kaso, noong September 27, 2021 ang biktimang si Ruel Maravilla y Paa ay dumulog sa Mabini Police Station para maghain ng reklamo laban sa suspek.

“Patuloy na paiigtingin ng hanay ng kapulisan ang paghuli sa mga suspect na nagtatago sa batas upang nang sa gayon ay magkaroon ng katarungan ang kanilang mga naging biktima. Kailanman ay di nila matatakasan ang krimen na kanilang ginawa.” PCOL SOLIBA.

###piobatangasppo###

###TeamPIO


“Life is Beautiful… Kaligtasan Nyo, Sagot Ko. Tulong-tulong Tayo.”





Leave a comment

Trending