Sa mas pinalawak na kampanya ng Quezon Police Provincial Office kontra sa mga most wanted persons- walang kawala ang isang lalaking nagtatago sa batas at kinilalalang Most Wanted Person na nahaharap sa kasong RAPE with Homicide in relation to RA 7610 sa inilatag na operasyon ng Pitogo PNP kasama ang PILA LAGUNA PNP sa Brgy. Bagong Pook Pila, Laguna ngayong araw, petsang October 20, 2022.


Ayon kay PCOL LEDON D MONTE, Probinsyal Direktor ng Quezon PPO, ganap na 12:10 ng madaling araw nang maaresto ang akusadong napagkilanlang si Wendel Lizano y Abejuro, 33 y/o, na tubong Brgy. Biga Pitogo Quezon.
Naaresto si Wendel sa bisa ng inilatag na Warrant of Arrest na may criminal case number CC#14580-G, isyu ni Hon. Edilwasif T. Baddiri, Assisting Presiding Judge, RTC branch 52, Gumaca, Quezon na inilabas noong January 26, 2017 na kung saan nagpapataw ng rekomendasyong walang pagpipiyansa para sa pansamantalang kalayaan.


Batay sa naitalang imbestigasyon, taong 2016 buwan ng Pebrero habang papasok ang biktima bago mangyari ang krimen na kung saan nagpasya ang mga magulang nito para mag-ulat ng pagkawala ng kanilang anak sa mga brgy officials ng nasasakupang lugar. Ayon din sa ulat, isang tawag naman ang natanggap ng himpilan ng pulisya kung saan agarang umaksyon at natagpuan ang walang buhay na biktima sa isang gubatang lugar na nasasakupan ng Pitogo, Quezon. Napag-alamang ang biktima ay sekswal na inabuso ng naturang aksusado bago mangyari ang masaklap na pagkawala ng buhay nito.
Ang matagumpay na pagkakaaresto kay Wendell ay natala naman sa tulong Alternative recording device (ARD) at naangkupan ng tamang pagpapabatid ng karapatang pangkonstitusyon (Miranda Doctrine and Anti-Torture Warning) at kasalukuyang nasa pangangalaga ng Pitogo PNP Custodial Facility para sa tamang dokumentasyon at proseso ng paglilitis.


Ang matagumpay na operasyong ito ay hango sa resulta ng isang pinaigting at kolaboratibong pakikipag-ugnayan sa pamahalaan at pamayanan sa pamamagitan ng Community Mobilization Programs (CMP) at validated reports mula sa Barangay Intelligence Network (BIN) ng mga kapulisan ng Quezon mula sa taong nakapagturo ng kinaroroonan ng suspek na kung saan siya’y nabigyan naman ng kaukulang pabuya ng Alkalde ng Pitogo, Quezon.

“Ang ating mga layunin at misyong panatalihin ang kapayapaan at kaayusan ng komunidad ng Quezon laban sa mga banta ng kriminalidad lalo’t higit sa pagsunsun ng mga taong tumatakas sa kanilang paglabag sa batas ay aming masusing sasagutin ng isang epektibo at maaasahang pulis serbisyo. Ang pagkakadakip kay Wendell na MWP na may kasong RAPE WITH HOMICIDE in rel to RA 7610 ay resulta nga nito, siya rin ay nararapat na magbayad sa kanyang krimeng ginawa at mahaharap ng ayon sa balangkas ng hustisya. Ang Quezon Pulis ay tuwirang patutupadin at palalawakin ang mga mandato buhat higher offices para kamtan at mapanatiling ligtas ang komunidad na kinabibilangan ng mga Quezonians. Hindi tayo mahihinto sa pagsusulong ng mga operasyong magdadala ng Kaunlaran batay sa ating pagtahak sa road map ng 7-Points Agenda na kaugnay sa MKK=K (Malasakit, Kapayapaan, Kaayusan = Kaunlaran) Peace and Order Framework.” Masidhi at tuwirang pahayag ni PCOL MONTE, Provincial Director ng Quezon PPO###
##pioquezon

#LifeIsBeautiful
#Kaligtasan

NyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#TeamPNPCALABARZON






Leave a comment

Trending