Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang isang suspek sa isinagaw ang Buy bust Operation ng Calamba PNP kahapon Oktubre 19, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Officer-In-Charge, Laguna PPO ang suspek na si Edwin Hinggan Garcia alias Edwin, residente ng Calamba City Laguna.


Sa ulat ng Calamba City Police Station nagsagawa sila ng isang buy-bust operation sa ganap na 4:10 ng hapon Oktubre 19, 2022 sa Brgy. Parian, Calamba City, Laguna na nagresulta sa pagkaaresto ng nasabing suspek matapos matagumpay na makabili ng hinihinalag illegal na droga ang mga awtoridad na nagpanggap na poseur buyer kapalit ang buy bust money.

Kumpiskado sa suspek ang tatlong (3) pirasong plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang ilegal na droga na may timbang na aabot sa 3 gramo na tinatayang nagkakahalagang Php 20,400.00 pesos, isang (1) piraso Php 500.00 pesos ginamit na buy-bust money at tatlong (3) piraso Php 100.00 pesos pinaghihinalaang drug money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CPS ang mga naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ibidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination at nahaharap ang mga suspek sa reklamong kriminal sa paglabag sa R.A 9165 Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Paiigtingin pa po ng Laguna PNP ang mga operasyon kontra ilegal droga at sa tulong po ng mamamayan ng Laguna ay mabilis na huhuli ang mga tulak dito sa Lalawigan ng Laguna maging ang mga gumagamit ng droga. Hinihikayat ko po kayo na patuloy po tayong magtulungan para sa masmaayos, tahimik at ligtas na probinsya ng Laguna.” #gtgtalampas

#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#pnp4a





Leave a comment

Trending