Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang 4 na suspek sa kasong pagnanakaw bandang 3:30 ng umaga Oktubre 20, 2022, sa Calamba City, Laguna.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Officer-In-Charge, Laguna PPO ang mga suspek na sina 1. Cesar Recuenco Arpina, 30 years old, single, garbage collector at naninirahan sa Barangay Parian, Calamba City, Laguna, 2. Gian Derick Atienza Centeno, 21 years old, single, jobless at naninirahan sa Barangay Parian, Calamba City, Laguna; 3. Alias Jensen, minor, single, jobless at naninirahan sa Barangay Parian, Calamba City, Laguna; at si Eddie Boy Balad Legaspi, 30 years old, single, dispatcher at naninirahan sa barangay San Juan, Calamba City, Laguna.

Ayon sa report ng Calamba City Police Station, bandang alas-sais ng umaga nadiskubre ng biktima na ang kanilang sasakyan na tamaraw FX na nakaparada sa harap ng kanilang bahay ay hindi na naka-lock, agad din niyang napansin na nawala ang ibat-ibang gamit sa loob ng kanilang sasakyan.

Samantala, habang nirereview ang CCTV camera na nakakabit sa kanilang lugar,dakong alas 3:30 ng umaga kahapon Oktubre 20, 2022, nakita nila ang mga suspek na binuksan ang kanilang sasakyan at tinangay ang ibat-ibang kagamitan sa loob ng kanilang sasakyan.

Agad nagtungo ang biktima sa kanilang barangay at ang isa sa mga suspek ay agad nakilala na taga barangay Uno, Calamba City. Sa isinagawang follow-up investigation at operation naaresto ng mga barangay tanod ng barangay Uno ang mga suspek at narekober sakanila ang isang sako na naglalaman ng mga sumusunod na gamit: isang (1) impact electric drill na nagkakahalaga ng Php 3,000.00; isang (1) reflectorize vest na nagkakahalaga ng Php 500.00; isang (1) rubberize gloves na nagkakahalaga ng Php 150.00; tatlong (3) extension wires na nagkakahalaga ng Php 600.00; limang (5) piraso ng open back range na nagkakahalaga ng Php 150.00; dalawang (2) pliers na nagkakahalaga ng Php 200.00; isang (1) Y socket range na nagkakahalaga ng Php 200.00 at tatlong (3) electric drill bit na nagkakahalaga ng Php1,000.00. Ang mga nasabing kagamitan ay may kabuuang halaga na aabot sa Php 6,070.00.

Ang mga naarestong suspek ay agad dinala ng mga barangay tanod sa Calamba City Police Station upang ihanda ang mga kaukulang dokumento para sa kasong maaari nilang harapin sa korte at sila ay kasalukuyang naka detain sa custodial facility ng nasabing police station habang ang isang suspek na menor de edad naman ay itinurn-over sa DSWD para sa tamang disposisyon.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Sumasaludo ako sa ating mga magigiting na barangay tanod na nakahuli sa mga suspek, ito ay isa sa mga magagandang bunga ng advocacy support groups at kasimbayanan dahil sa patuloy na pag abot ng ating kapulisan sa komunidad upang patatagin ang samahan ng kapulisan at mamamayan.”#gtgtalampas

LifeIsBeautiful

KaligtasanNyoSagotKo

TulongTulongTayo

MKKequalsK

PNPKakampiMo

pnp4a





Leave a comment

Trending