Ni Dryen Zamora

Wasak ang dalawang cellphone, nayupi ang dalawang Php 5 na barya at butas ang bag ng isang pulis na hindi tinamaan sa katawan, bagkus sa isang daliri lamang sa kanang kamay nagkasugat matapos tamaan ng mga bala bunga ng pagpapaputok ng isang suspek nang matanaw na mayroong Kapulisan at nahuli ang mga kasamahan nito sa isang buy bust operation sa San Pedro City Laguna.

Maituturing na nailigtas ng mga kagamitan ni PAT James Moreno, nakatalaga sa Drug Enforcement Group, ang sarili.

Dakong 12:36 ng madaling araw ng Oktubre 16 nang mahuli sa buy bust operation sina Mark Gregor alyas Kapre at Roxy Solidad sa Sitio Rustan Barangay Langgam nang dumating ang suspek mula sa dulong bahagi at napansin ang Kapulisan kaya’t nagpaputok ito na nagresulta sa pagkakatama sa nabanggit na pulis.

Agad siyang ikinubli ng kasamang si PAT Oliver Lorenzana matapos makita ang sugat samantalang itinakbo ni PSMS Delfin Carandang Jr. ang mga kinuhang testigo sa inventory sa isang ligtas na lugar at si PAT Jaymar Tamaray ay sinigurado din ang kaligtasan ng mga huli.

Napatay din ang suspek na nakilalang si Romel Sagun, alyas ulo, matapos siyang habulin ng Kapulisan na pinangunahan ni PCPT Jan Ricote.

Nakuha mula sa suspek ang mga hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php 340,000 at ang baril na ginamit.

Kasalukuyang nagpapagaling ngayon si Moreno.





Leave a comment

Trending