Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang Most Wanted Person City Level ng Calamba City Police Station sa ikinasang Manhunt Operation ng Calamba PNP kahapon Oktubre 21, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Officer-In-Charge, Laguna PPO ang akusado na si Ramon Ablan Romualdo na residente ng Calamba City, Laguna.

Sa report ng Calamba City Police Station ay nagkasa sila ng manhunt operation na nag resulta sa pagkaaresto ng akusado kahapon Oktubre 21, 2022 sa ganap na 3:00 ng hapon sa bisa ng warrant of arrest.

Ang akusado ay nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness in Relation to RA 7610 “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.” Na isinampa noong Oktubre 7, 2022 na inissue ng Regional Trial Court BR 37, Calamba City, Laguna.

Ang arestadong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba City Police Station habang ang korteng pinagmulan ng Warrant of Arrest ay iimpormahan sa pagkaaresto ng akusado.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio ““Sa patuloy na pakikipag tulungan ng mamamayan ng Laguna ay masmabilis na naisasagawa ang mga operasyon ng Laguna pulis laban sa mga nagtatago sa batas”.

#gtgtalampas
#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#pnp4a





Leave a comment

Trending