Ipinakita ni Laguna Police Provincial Office, Officer-In-Charge, Police Colonel Randy Glenn G Silvio, ang isang linggong accomplishments ng Laguna PPO laban sa illegal na droga at illegal na sugal kasama rin ang loose firearms at mga naarestong wanted persons sa buong lalawigan ng Laguna.

Ayon kay PCOL SILVIO ang mga nagawa ng Laguna PNP sa isang linggo simula Oktubre 16-21, 2022 ay matagumpay na naisagawa at naipatupad sa pamamagitan ng aktibong suporta ng mamayan ng Laguna.

Sa nakalipas na isang lingo ay nagsagawa ang Laguna PNP ng Anti-illegal Drugs Buy bust Operation, Anti-illegal gambling Operation, Manhunt Operation at Loose Firearms Operation.

Sa anti-illegal drugs buy bust operation nagsagawa ang Laguna PNP ng fifty two (52) na operation at nakapag aresto ng fifty nine (59) na individual at nakumpiska nila sa mga naaresto ang illegal na droga na aabot sa 653.09 gramo na may halagang Php Php 637,775 pesos.

Sa anti-illegal gambling operation ng Laguna PNP ay nakapagtala sila ng fourty five (47) na operation at nakapag aresto ng one hundred five (105) na individual at umabot naman sa Php 84,211 ang nakumpiskang pera.

Sa manhunt operation na isinagawa ng Laguna PNP ay nakapag aresto sila ng seventeen (17) most wanted person at twenty seven (27) na other wanted person na may kabuuang naaresto na fourty four (44) na individual kabilang si Orlando Sanchez na most wanted person regional level sa kasong Rape, at sa kampanya naman sa loose firearms nakapag kumpiska ng anim (6) na loose firearms sa isanagawang walong (8) operation.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Eto ang patunay na ang Laguna PNP ay patuloy na ginagampanan ang kanilang tungkulin sa pagsasagawa ng mga operation laban sa illegal na droga, gambling, manhunt operation at maging sa mga loose firearms ginagawa namen ang lahat ng ito upang mapanatili ang kapayapaan tungo sa kaunlaran ng lalawigan ng Laguna.

#gtgtalampas

LifeIsBeautiful

KaligtasanNyoSagotKo

TulongTulongTayo

#MKKequalsK

PNPKakampiMo

#pnp4a





Leave a comment

Trending