Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang Most Wanted Person Regional Level ng Calamba City Police Station sa ikinasang Manhunt Operation ng Calamba PNP kahapon Oktubre 22, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Officer-In-Charge, Laguna PPO ang akusado na si Gudito Rebano na residente ng Calamba City, Laguna.

Ayon sa report ng Calamba City Police Station ay nagkasa sila ng manhunt operation na nag resulta sa pagka aresto ng akusado kahapon Oktubre 22, 2022 sa ganap na 9:00 ng gabe sa Brgy. Pansol, Calamba City, Laguna sa bisa ng warrant of arrest.

Ang akusado ay nahaharap sa kasong Murder na isinampa noong Hulyo 15, 2015 na inisyu ng Regional Trial Court Br. 92, Calamba City, Laguna.

Ang arestadong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba City Police Station habang ang korteng pinagmulan ng Warrant of Arrest ay iimpormahan sa pagkaaresto ng akusado.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Akoy nagpapasalamat sa ating mga kababayan sa kanilang pagtulong at pagsuporta sa ating kapulisan para sa matagumpay na pagkakaresto ng mga taong nagtatatago sa batas.”#gtgtalampas

LifeIsBeautiful

KaligtasanNyoSagotKo

TulongTulongTayo

MKKequalsK

PNPKakampiMo

pnp4a





Leave a comment

Trending