Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang isang suspek sa isinagawang Buy bust Operation ng Santa Cruz PNP kahapon Oktubre 22, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Officer-In-Charge, Laguna PPO ang suspek na si Jomar Galarce na residente ng Santa Cruz, laguna.

Ayon sa ulat ng Santa Cruz Municipal Police Station ay nagkasa sila ng anti-illegal drugs buy bust operation na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek kahapon Oktubre 22, 2022 sa ganap na 7:40 ng gabe sa Sitio 7, Brgy. Calios, Santa Cruz, Laguna matapos magbenta ng illegal na droga sa poseur buyer kapalit ang buy bust money.

Nakumpiska sa suspek ang tatlong (3) pirasong plastic sachet na hinihinalang illegal na droga na may timbang na dalawang (2) gramo at nagkakahalaga ng Php13, 600.00 pesos, isang (1) pirasong pouch, at narekober naman sa suspek ang buy bust money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Santa Cruz MPS ang naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ibidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination at nahaharap ang suspek sa reklamong kriminal sa paglabag sa R.A 9165 Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Gusto ko lamang pong ipabatid sa mga mamamayan ng Laguna na hindi po tumitigil ang Laguna PNP sa pagsasagawa ng mga operasyon kontra illegal na droga.”#gtgtalampas

LifeIsBeautiful

KaligtasanNyoSagotKo

TulongTulongTayo

MKKequalsK

PNPKakampiMo

pnp4a





Leave a comment

Trending