Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang apat (4) na suspek sa isinagawang Buy bust Operation ng Cabuyao CPS kahapon Oktubre 23, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Officer-In-Charge, Laguna PPO ang mga naarestong suspek na sina 1. John Paul Labrador, 2. Ron-Ron Mahumot, 3. Jericho Dela Paz, 4. Emmanuel Fernandezna lahat ay pawang mga residente ng Cabuyao City, Laguna.

Ayon Sa ulat ng Cabuyao City Police Station ay nagkasa sila Anti-Illegal drugs buy-bust operation na nagresulta sa pagka aresto ng mga suspek kahapon Oktubre 23, 2022 sa ganap na 11:58 ng umaga sa Rosario Village Brgy. Sala Cabuyao City, Laguna matapos magbenta ng hinhinalang illegal na droga sa poseur buyer kapalit ang buy bust money.

Nakumpiska sa mga naaresto ang anim (6) na pirasong plastic sachet ng hinihinalang illegal na droga na may timbang na 0.20 gramo na nagkakahalaga ng Php 2,000, isang (1) unit cal. 38 revolver color gray, defaced serial number, apat (4) na pirasong bala ng caliber .38, isang (1) unit ng improvised shotgun, tatlong (3) piraso ng 12 gauge na bala, dalawang (2) piraso ng weighing scale, tatlong (3) piraso ng drug paraphernalia, isang (1) piraso na replica ng Caliber .45, isang (1) piraso ng replica na magazine ng caliber .45, isang (1) piraso ng M203 rifle grenade bullet, isang (1) pirso ng shoulder bag color black, isang (1) unit ng Cellular phone redmi T9, isang (1) unit ng cellular phone Huawei y8 pro color black, isang (1) unit ng cellular phone Samsung J2 pro color black, Php 900,000 na halaga ng hinihinalang drug money at narekober din sa mga suspek ang buy bust money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Cabuyao CPS ang naarestong mga suspek habang ang mga kumpiskadong ibidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination at ballistic examination at nahaharap ang mga suspek sa reklamong kriminal sa paglabag sa R.A 9165 Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at RA 10591 Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Ako ay nakikiusap sa ating mga kababayan sa Laguna na huwag gawin trabaho ang pagbebenta ng pinagbabawal na droga. Dahil imbis na mapabuti ang inyong buhay ay lalo lang kayo mapapahamak.”#gtgtalampas
#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#pnp4a





Leave a comment

Trending