Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang Most Wanted Person Regional Level ng Calamba City Police Station sa ikinasang Manhunt Operation ng Calamba PNP kahapon Oktubre 23, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Officer-In-Charge, Laguna PPO ang akusado na si Richard Z Lizano na nakatira sa Calamba City, Laguna.

Ayon sa ulat ng Calamba City Police Station ay nagkasa sila ng Manhunt Operation kasama ang RSOU4A (Lead Unit) na nag resulta sa pagka aresto ng akusado kahapon Oktubre 23, 2022 sa ganap na 2:10 ng hapon sa Dragon Compound, Purok 3, Brgy. 1, Calamba City, Laguna sa bisa ng warrant of arrest.

Ang akusado ay nahaharap sa kasong Homicide na isinampa noong Hulyo 14, 2022 na inisyu ng Regional Trial Court Br. 63, Calauag, Quezon na may nirerekomendang pyansa na aabot sa Php 180,000 pesos.

Ang arestadong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba City Police Station habang ang korteng pinagmulan ng Warrant of Arrest ay iimpormahan sa pagkaaresto ng akusado.

Ayon sa pahayag ni PCOl Silvio “Akin pong ikinararangal ang mga personnel na ito ng Laguna PNP para sa kanilang hindi matatawarang dedikasyon sa pag ganap sa kanilang mga sinumpaang tungkulin upang tugisin at panagutin ang mga taong nagtatago sa batas.” #gtgtalampas
#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#pnp4a





Leave a comment

Trending