Batangas Pulis, nagsagawa ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO); Higit 264 personalidad, huli
Umaabot sa kabuuang 264 personalidad ang nahuli sa isinagawang SACLEO simula noong Linggo Oktubre 16 hanggang 22, 2022, kung saan ay regular ng isinasagawa ng iba’t ibang units sa Batangas PPO.
Layon ng naturang operation ay upang paigtingin at mapababa ang mga nangyayaring krimen sa buong probinsya at ang pangunahing tinututukan ay mga notorious na criminals.


Ayon sa ulat ni PCOL PEDRO D SOLIBA, Provincial Director Batangas PPO kay PBGEN JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR, Regional Director PRO CALABARZON, nasa 67 wanted persons ang nahuli ng mga operatiba ng Batangas PPO sa bisa ng mga inihaing warrant of arrests. Dalawampu’t anim (26) dito ay tinaguriang Most Wanted Persons (MWP) na kinabibilangan ng pito (7) na Regional Level, labing-lima (15) Provincial Level, at apat (4) City/Municipal Level.
Sa 102 opera

syon kontra iligal na droga, 114 drug personalities ang arestado at tinatayang 144.27 gramo ng shabu at 181.58 gramo ng marijuana na may kabuuang P1,017,252.60 halaga ang nakumpiska sa pitong araw na operasyon.

Sa 61 operasyon naman kontra iligal na sugal, umabot sa 73 indibidwal ang nahuli at sampung (10) katao naman ang nahuli dahil sa iligal na pagmamay-ari ng baril.
“Patuloy nating paiigtingin ang ating kampanya laban sa lahat ng uri ng kriminalidad habang papalapit na ang undas, upang mapanatili natin ang kapayapaan at kaayusan sa ating lugar-” PCOL SOLIBA.

###piobatangasppo###
#TeamPIO
“Life is Beautiful… Kaligtasan Nyo, Sagot Ko. Tulong-tulong Tayo.”





Leave a comment

Trending