Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang Isang personalidad sa ikinasang Buy bust Operation ng Calamba CPS kahapon Oktubre 24, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Officer-In-Charge, Laguna PPO ang mga naarestong suspek na si Erwin Tuiza Almadovar alias Erwin residente ng Calamba City Laguna.

Sa ulat ng Calamba City Police Station ay nagkasa sila ng isang buy-bust operation na nagresulta sa pagka aresto ng suspek sa ganap na 10:15 ng gabi sa Purok 4, Brgy. Looc, Calamba City, Laguna. Matapos matagumpay na makabili ng hinhinalang illegal na droga sa suspek ang mga awtoridad na nagpanggap bilang poseur buyer kapalit ang buy bust money.

Nakumpiska sa suspek ang tatlong (3) pirasong plastic sachet ng hinihinalang illegal na droga na may timbang na tinatayang aabot sa 5.2 gramo namay halagang Php 35,360.00, isang pirasong five-hundred peso bill ginamit na pambili at tatlong (3) piraso one hundred peso bill na pinaghihinalaang drug money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CPS ang arestadong suspek habang ang mga kumpiskadong ibidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination. Habang nahaharap ang suspek sa reklamong kriminal sa paglabag sa R.A 9165 Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Nagpapasalamat po ang Laguna PNP sa walang sawang pakikipag tulungan ng mga mamamayan ng Laguna para mabilis na mahuli ang mga nag bebenta at gumagamit ng ilegal na droga.”#gtgtalampas

#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#pnp4a





Leave a comment

Trending