Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang Rank no. 5 Most Wanted Person City Level sa Manhunt Operation ng Calamba Pulis kahapon Oktubre 26, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Officer-In-Charge, Laguna PPO ang akusado na si Cornelio Lucido De Asis, residente ng Calamba City Laguna.

Sa ulat ng Calamba City Police Station ay nagkasa sila ng Manhunt Operation na nag resulta sa pagka aresto ng akusado sa ganap na 12:45 ng hapon sa Brgy. Sampiruhan, Calamba City, Laguna sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hon. Angelina A Mailom-Orendain of Regional Trial Court Branch 92, Calamba City, Laguna noong Oktubre 24, 2022.

Nahaharap ang akusado sa kasong RA 9287 – An Act Increasing the Penalties for Illegal Numbers Games, amending certain Provisions of Presidential Decree No. 1602 na walang pyansang nirerekomenda.

Ang arestadong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba City Police Station habang ang korteng pinagmulan ng Warrant of Arrest ay iimpormahan sa pagkaaresto ng akusado.

Ayon sa pahayag ni PCOl Silvio “Nais ko pong ipaabot sa lahat ng mamamayan ng Laguna ang aking pasasalamat sa magandang samahan ng mamamayan at kapulisan. Dahil dito sa pakikipagtulungan ng mga tao sa Laguna mabilis naaaresto ang mga akusado at may sala sa batas.”#gtgtalampas

#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#pnp4a





Leave a comment

Trending