Iniulat ni Laguna Police Provincial Office, Officer-In-Charge, Police Colonel Randy Glenn G Silvio, kay CALABARZON Regional Police Brigadier General Jose Melencio C Nartatez Jr, ang pagkakaaresto sa labing-anim (16) akusado sa loob ng isang (1) araw na “Warrant Day” operation ng Laguna PNP, kahapon Oktubre 27, 2022.

Ang Warrant Day ng Laguna PNP ay matagumpay na naipapatupad sa pamamagitan ng mga nakalap na impormasyon mula sa aktibong suporta ng ating komunidad at Barangay Intelligence Network (BIN’s) sa ibat-ibang barangay sa lalawigan ng Laguna.

Sa kabuuan, nagsagawa ng 16 operasyon ng Warrant of Arrest ang buong pwersa ng Laguna PNP, na nag resulta sa pagkakahuli ng dalawang (2) Regional Level Most Wanted Person, isang (1) Provincial Level Most Wanted Person, isa (1) na City/Municipal Level Most Wanted Person at labing-dalawa (12) naman ay Other Wanted Persons.

Kinilala ni Police Colonel Silvio ang Rank No.2 Regional Level Most Wanted Person na si Peter M Noble, 26 anyos, at residente ng Biñan, Laguna, at ang isa pang Regional Level Most Wanted Person na si Christian M Bariring, 32 anyos, tricycle driver, at residente ng Cabuyao Laguna.

Arestado ang Rank No.2 Regional Level Most Wanted Person na si Peter M Noble sa Munhunt Operation ng mga operatiba ng Biñan City Police Station at RIU 4-A PIT Laguna, sa ganap na 7:40 ng gabi ng Oktubre 27, 2022, sa Biñan City, Laguna, sa bisa ng Warrant of Arrest na may petsa na Oktubre 6, 2022 na inilabas at nilagdaan ni Hon. Nida C. Tabuldan-Gravino, Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 169, San Pedro City, Laguna para sa kasong Rape na walang pyansa na inirekomenda.

Samantala arestado din ang akusadong si Christian M Bariring sa ikinasang joint Manhunt Operation ng mga operatiba ng Cabuyao City Police Station bilang (lead unit) kasama ang CIDG Laguna PFU sa ganap na 12:25 ng hapon, Oktubre 27, 2022, sa Cabuyao Laguna sa bisa ng Warrant of Arrest na may petsa na Setyembre 29, 2022 na inilabas ni Hon. Arnold Rimon Martinez, Presiding Judge, Regional Trial Court Branch 108, Cabuyao City, Laguna para sa kasong Sec. 11 of Art II of RA 9165 o paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 na may pyansang nirekomenda na five-hundred-thousand Pesos (Php500,000.00).

Ang mga naarestong akusado ay nakakulong sa ilalim ng custodial facility ng kani-kanilang operating units, habang ang korteng pinagmulan ng kani-kanilang warrant of arrest ay iimpormahan sa pagkaaresto ng mga akusado.

Sa pahayag ni PCOL Silvio “Ang Warrant Day ng Laguna PNP laban sa mga nagtatagong kriminal ay patuloy na ipatutupad ng ating kapulisan nang naayon sa batas upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima at panagutin ang mga Wanted Person sa kanilang nagawang krimen. Makakaasa ang komunidad ng Laguna, sa tulong ng ating kapulisan, simbahan at pamayanan ay sama-sama nating makakamit ang kaayusan, kapayapaan tungo sa kaunlaran.”.#gtgtalampas

LifeIsBeautiful

KaligtasanNyoSagotKo

TulongTulongTayo

MKKequalsK

PNPKakampiMo





Leave a comment

Trending