Iniulat ni Laguna Police Provincial Office, Officer-In-Charge, Police Colonel Randy Glenn G Silvio, kay CALABARZON Regional Police Brigadier General Jose Melencio C Nartatez Jr, ang pagkakaaresto sa Rank No.2 Regional Level Most Wanted Person, sa “Warrant Day” ng Laguna PNP, kahapon Oktubre 27, 2022.

Kinilala ni Kinilala ni Police Colonel Silvio ang Rank No.2 Regional Level Most Wanted Person na si Peter M Noble, 26 anyos, at residente ng Biñan, Laguna.

Ayon sa ulat ng Biñan City Police Station, nagsagawa sila ng Munhunt Operation kasama ang mga operatiba ng RIU 4-A PIT Laguna, sa ganap na 7:40 ng gabi ng Oktubre 27, 2022, sa Biñan City, Laguna, na nagresulta sa pagkakadakip sa nasabing akusado.

Ang Warrant of Arrest laban sa akusado na may petsa na Oktubre 6, 2022 ay inilabas at nilagdaan ni Hon. Nida C. Tabuldan-Gravino, Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 169, San Pedro City, Laguna, para sa kasong Rape na walang pyansa na inirekomenda.

Naging matagumpay ang Munhunt Operation sa tulong ng mga impormasyon mula sa ating komunidad at Barangay Intelligence Network (BIN’s) sa nasabing barangay.

Nakapiit ngaun sa ilalim ng custodial facility ng Binan City Police Station ang akusado, habang ang korteng pinagmulan ng kaniyang warrant of arrest ay iimpormahan sa kanyang pagkaaresto.

Sa pahayag ni PCOL Silvio “Ang pakikipagtulungan ng pamayanan at simbahan sa ating kapulisan ay siyang susi sa matagumpay nating mga Police Operation, at dahil dito ay sama-sama nating makakamit ang kaayusan at kapayapaan tungo sa kaunlaran ng Lalawigan.”#gtgtalampas

LifeIsBeautiful

KaligtasanNyoSagotKo

TulongTulongTayo

MKKequalsK

PNPKakampiMo





Leave a comment

Trending