Apat na drug personalities ang naaresto sa isinagawang buy-bust operations ng mga operatiba ng Batangas Police Provincial Office noong araw ng Byernes, Nobyembre 4, 2022.


Ayon kay Batangas Police Provincial Director PCOL PEDRO D SOLIBA kay Regional Director Police Regional Office PBGEN MELENCIO C NARTATEZ JR, unang naaresto si Ronald Avanzado dakong 12:30 ng tanghali sa Purok 3, Brgy Bulacnin, Lipa City, Batangas.

Nakumpiska mula sa kanya ang 1 heat sealed transparent plastic sachet na may lamang hinihinalang shabu na nasa 1.6 gramo at buy bust money. Sunod na naaresto ay si Alberto Fernandez Jr sa ganap na ika 3:40 ng hapon sa kaparehong branggay at nakuha sa kanya ang .13 gramo ng shabu at buybust money.

Arestado rin ang suspek na si Jonald Mendoza dakong 6:10 ng hapon sa District 1b, Brgy Marawoy, Lipa City, Batangas kung saan 1.10 gramo ng shabu ang nakumpiska kasama na ang buybust money. Samantala, arestado naman si Michael Andrew Llanes ganap na ika 8:30 ng gabi sa Brgy 1, Lipa City, Batangas at nakuha mula sa kanya ang 1.18 gramo ng shabu at buybust money.


“Sa walang humpay na pagpasasagawa ng law enforcement operations nating ating kapulisan, tiyak na mapapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa lalawigan. Patuloy ninyo kaming suportahan para sa ating kaunlaran”. – PCOL SOLIBA

TeamPIO

piobatangasppo





Leave a comment

Trending