Ginang Nasagasaan ng Bus Patay

Habang tumatawid sa pedestrian lane si Arlene Libot Ramirez 43yo sa Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna 5:30 ng umaga ay nasagasaan siya ng isang Granbird bus na may plakang NEP-1941 na minamaneho ni Rey Pascual Mustar 41yo.

Agad na dinala sa JP Rizal Hospital ang biktima ngunit ipiniroklamang Dead on Arrival ni Dr. Audrey Bryan De Mesa.

Sa panayam kay PLtCol. Alexy E. Sonido sinabi niyang naka detain ngayon ang suspect sa Calamba City Police Station na mahaharap sa kaukulang kaso.


Ganun din isa ang nahuli sa bisa ng warrant of arrest sa kasong RA 9262 o Violence Against Women and Children (VAWC).
Kinilala ang suspect na si Jason Moliñawe Jacob 42yo sa Brgy. Paciano.



Isa din ang inaresto sa illegal gambling/bookies na si Michael Fronda Baylon 37yo sa Brgy. Mapagong.

At RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang arestado sa isinagawang buy bust.
Kinilala ang suspect na sina Elly Mike Dexter Landicho Delgado aka Butchok 23yo at Joshua Fortuna Atos aka Jokweng sa Brgy. Uno





Leave a comment

Trending