Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang isang indibidwal sa follow up operation ng Nagcarlan PNP.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Officer-In-Charge, Laguna PPO ang suspek na si Vincent Conejos.

Ayon sa report ng Nagcarlan Municipal Police Station ay nagkasa sila ng follow up operation kasama ang 1st LPMFC, RIU, PIU hinggil sa report ng concern citizen na meron daw nagpaputok sa Brgy Tipacan, Nagcarlan, Laguna na nauwi sa pagkaaresto ng suspek matapos maberipika na meron ngang matatas na kalibre ng baril kahapon Nobyembre 6, 2022 sa ganap na 1:00 ng tanghali.

Nakumpiska sa suspek ang isang (1) unit ng M16 rifle colt RP256304, isang (1) unit ng M16 rifle with serial no.9069155, isang (1) unit ng M16 rifle defaced serial no., isang (1) unit ng armscor shotgun with serial # 178379, isang (1) unit ng Colt, M16 rifle with (airsoft), isang (1) unit ng 1 M16 rifle defaced serial number (airsoft), Dalawang (2) piraso ng Han held radio, Dalawang (2) piraso ng Military uniforms, apat (4) na piraso ng military vest, isang (1) pirasong military bandoler, dalawang (2) piraso ng rifle magazine, anim (6) na pirasong long magazine at twenty one (21) piraso ng ibat-ibang uri ng bala.

Ang suspeck ay kasalukuyan nasa kustodiya ng Nagcarlan MPS at sasampahan ng kasong kriminal na Indiscriminate firing at RA 10591 “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Hindi namen kinukunsinti ang ganitong paguugali sa pangangalaga ng baril kaya mahigpit kaming nagsasagawa ng mga operation laban sa mga Loose Firearms para mapanatili ang kapayapaan at kauyusan dito sa lalawigan ng Laguna. “#gtgtalampas

LifeIsBeautiful

KaligtasanNyoSagotKo

TulongTulongTayo

MKKequalsK

PNPKakampiMo

pnp4a





Leave a comment

Trending