Suspek sa Pagnanakaw sa Our Lady of Guadalupe Shrine Huli sa Follow Up Operation

Nina:Kevin Pamatmat
Shekinah Joy Pamatmat

(updated)

PAGSANJAN,LAGUNA- Arestado sa ikinasang follow up operation ng Pagsanjan Municipal Police ang apat na suspek umano sa pagnanakaw sa Our Lady of Guadalupe Shrine.

Matatandaan na nagtungo sa Pagsanjan PNP sina Marjorie Alcaraz Flores, nasa hustong taong gulang, organist at Gerald Ragaza Lorenzo, 18 taong gulang, sacristan upang ipagbigay alam ang kanilang natuklasan na pagnanakaw sa loob ng simbahan.

Dahil dito ay agarang nagsagawa ng masusing imbestigasyon ang mga kagawad ng Pagsanjan MPS sa pangunguna ni PMajor.Silver S. Cabanillas – ACOP at napag alaman na bukod sa Tabernakulo ay nawawala din ang halagang limampung libong piso (Php50, 000), isang unit ng Oppo Cell phone .

Lumalabas sa pagsisiyasat na nagawang makapasok ng mga suspek sa pamamagitan ng pag akyat sa bakod sa bahaging likuran ng simbahan at habang nasa loob ng simbahan ay sinira ng mga suspek ang pintuan at bintana ng tanggapan ng Parokya at doon nga ay nilimas nila ang nasabing nawawalang pera at cell phone.

Matapos ay sunod nilang kinuha ang Tabernakulo at mga pera sa tatlong (3) kahon ng mga donasyon at saka tumakas.
Nobyembre 6, 2022, matapos ang walang tigil na follow up operation nahuli ang isa sa mga suspek na si @Rogel at nakuha sa kaniyang posesyon ang isang Oppo Cell phone.

Sa follow up operation nga ay nasakote pa ang ibang mga suspek na sina @ Mukha, @Jimmy at @ Ipe.
Pawang nahaharap ngayon sa kasong kriminal na “Robbery” ang mga suspek at kasalukuyang nakapiit sa Pagsanjan Municipal
Detention cell.

Ayon naman kay Chief PNP PBGEN Rodolfo S. Azurin Jr. “We will assure you that in Pagsanjan, “Life Is Beautiful, Kaligtasan Niyo, Sagot Ko, at Tulong-Tulong Tayo” in achieving the peace and security framework.



Pagsanjan Church was robbed a P50,000 Donation

by: Edjun Mariposque

It was around 6:30 on Saturday, November 5, 2022, morning when church members of the Parish of Our Lady of Guadalupe in Pagsanjan, Laguna discovered that the tabernacle was destroyed and the Sacred Host was missing.

In an investigation by the Pagsanjan Police, it was discovered that the person responsible climbed the back wall, broke the window and passed through it.

Upon entering, the door of the parochial, the office was broken and items were rummaged through and only the money of the donation box estimated to be worth P50,000.00 and a cellphone were stolen.

The missing Sacred Host was found behind the altar.

In a statement by the leadership of the Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Guadalupe, masses have been temporarily postponed and churhgoers were asked to wait for further announcement.

PHOTO COURTESY: Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Guadalupe





Leave a comment

Trending