Ipinakita ni Laguna Police Provincial Office, Acting Provincial Director, Police Colonel Randy Glenn G Silvio, ang isang linggong accomplishments ng Laguna PPO laban sa illegal na droga at illegal na sugal kasama rin ang loose firearms at mga naarestong wanted persons sa buong lalawigan ng Laguna.

Ayon kay PCOL SILVIO ang mga nagawa ng Laguna PNP sa isang linggo simula Nobyembre 7-13, 2022 ay matagumpay na naisagawa at naipatupad sa pamamagitan ng aktibong suporta ng mamayan ng Laguna.

Sa nakalipas na isang lingo ay nagsagawa ang Laguna PNP ng Anti-illegal Drugs Buy bust Operation, Anti-illegal gambling Operation, Manhunt Operation at Loose Firearms Operation.

Sa anti-illegal drugs buy bust operation nagsagawa ang Laguna PNP ng fourty one (41) na operation at nakapag aresto ng fourty eight (48) na indibidwal at nakumpiska nila sa mga naaresto ang hinihinalang illegal na shabu na may timbang na aabot sa 21.48 gramo at marijuana na may timbang na 63 na gramo na may halagang Php 135,248 pesos.

Sa anti-illegal gambling operation ng Laguna PNP ay nakapagtala sila ng twenty eight (28) na operation at nakapag aresto ng thirty two (32) na indibidwal at umabot naman sa Php 18,953 ang nakumpiskang pera.

Sa manhunt operation na isinagawa ng Laguna PNP ay nakapag aresto sila ng fifteen (15) most wanted person at twenty seven (27) na other wanted person na may kabuuang naaresto na fourty two (42) na individual kabilang si alyas Allen na most wanted person regional level sa kasong Rape, at sa kampanya naman sa loose firearms nakapag aresto tayo ng limang (5) indibidwal at meron tayo ng apat (4) na nakumpiskang loose firearms sa isanagawang apat (4) na operation.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Eto ang patunay na ang Laguna PNP ay patuloy na ginagampanan ang kanilang tungkulin sa pagsasagawa ng mga operation laban sa illegal na droga, gambling, manhunt operation at maging sa mga loose firearms ginagawa namen ang lahat ng ito upang mapanatili ang kapayapaan tungo sa kaunlaran ng lalawigan ng Laguna.#gtgtalampas
#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#pnp4a





Leave a comment

Trending