Hindi nagtagal ang paghahanap sa mga suspek na nanghalay, nambugbog at nangholdap sa magkasintahan sa bayan ng Lumban, matapos ang follow up imbestigation ng mga operatiba ng naturang bayan.

Nabatid sa ulat ni lumban COP Pcapt. Richard Picana na may magkasintahang hinoldap ng dalawang lalaking naka-tricycle na tinutukan ng mga suspek ang 18-taong gulang na lalaki at menor de edad na babae habang ang mga ito ay nakaupo sa gilid ng Caliraya lake dakong alas 10:30 ng gabi.

Napag-alaman pa kay Pcapt Picana na isinakay ang 2 biktima sa tricycle at dinala sa liblib na lugar, doon umano isinagawa ang pambubugbog, sinaksak ng screw driver, pinalo ng peke umanong shotgun na bakal ang barell at panghahalay sa babae biktima, tinalian pa umano ang lalaki sa leeg at talagang kung pag- aaralan sa imbestigasyon ay plano talagang patayin ang mga biktima.

Ayon kay PCapt. Pacana ay kaagad sama-sama silang nag conduct ng follow up operation kasama na rito ang Police Provincial Director ng Laguna PCol. Randy Glenn Silvio maging ang lalaking biktima para mahingan ng mga detalye at ang maganda umano nito ay kayang kilalanin ng biktima ang mga suspek.

At habang sila ay nagsasagawa ng back tracking sa isang resort nag check ng cctv sa hindi inaasahang pangyayari ay may dumaang tricycle na positibong itinuro ng biktima at nakilala niya ang driver nito kayat plinag down at inimbestigahan.

Kumbinsido naman ang biktima na siya na nga ang suspek, maging ang tricycle na ginamit ay identify maging ang boses ay kilala rin ng biktima kayat sa imbetigasyon ay marami ng napatunayan na siya ang salarin, kayat ikinanta na rin ang kanyang kasama at itoy itinuro.

Sa bahay ng salarin ay natagpuan ang kasama nito at may kasamang 2 babae na umanoy live in partner ng dalawang suspek na kung saan kasama na ring inaresto ang mga ito dahil sa kanila umano nakuha ang mga celphone ng 2 biktima.

Kaya’t kinilala ang mga suspek na sina Danilo Barimbad Jr. si Joseph Delos Reyes na ngayong araw umano ay sasampahan ng kasong Robbery Hold-up, RA 8363, o Rape, frustrated murder at RA 10591 at ang 2 babae na sina Maria Rodela De Leon at Arlene De Leon ng Kasong PD 1828 obstruction of justice dahil sa kanilang pakikialam.

Mula sa timog katagalugan ako si Rommel Madrigal sa DZRJ 810 am ang Radyo Bandido TV





Leave a comment

Trending