Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang isang (1) personalidad sa isinagawang hot pursuit operation ng Siniloan MPS kahapon Nobyembre 13, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga suspek na si alyas Aldrin na taga Siniloan, Laguna.

Ayon sa ulat ng Siniloan Municipal Police Station, isang concern citizen ang tumawag sa kanilang himpilan para ipagbigay alam ang nangyaring insidente ng pananaga sa Brgy. Mayatba, Siniloan, Laguna sa ganap na 12:30 ng tanghali kahapon Nobyembre 13, 2022.

Agad naman itong nirespodehan ng Siniloan MPS at sa tulong ng concern citizen ay nahuli ang suspek sa may Brgy. Macatad, Siniloan, Laguna.

Kasalukuyan nasa kustodiya ng Siniloan MPS ang suspek at nahaharap sya sa kasong kriminal na Frustrated Murder.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Sa tulong ng mamayan at sa mabilis na aksyon ng Laguna PNP ay naaresto agad ang suspek kaya akoy nagpapasalamat sa inyo sa pagtulong nyo sa amin upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa lalawigan ng Laguna.#gtgtalampas
#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#pnp4a





Leave a comment

Trending