Alinsabay sa isinagawa Traditional Monday Flag Raising, Awarding Ceremony, Visitation, Special Occasions, and Religious Program ng Batangas Police Provincial Office nitong Nobyembre 14, 2022, binigyang pagkilala ni BPPO Provincial Director PCOL PEDRO D SOLIBA, sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Regional Office CALABARZON Regional Director PBGEN JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR, ang mga police stations na nanguna sa pagsasagawa ng Simulataneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) buwan ng Oktubre.

Ginawaran ng sertipiko ng pagkilala sina Police Lieutenant Colonel ARIEL B AZURIN, hepe ng Lipa City Police Station; Police Lieutenant Colonel RHEDEN M MANALO, hepe ng Rosario Municipal Police Station; Police Major RICAREDO D DALISAY, hepe ng San Pascual Municipal Police Station; at Police Major JONATHAN S AMUTAN, hepe ng Malvar Municipal Police Station sa kanilang naging kontribusyon sa pangkalahatang tagumpay ng SACLEO ng Batangas PPO.

Pinangunahan ni Hon. Atty. Cinderella V Reyes, Municipal Mayor-Agoncillo Batangas at tumayong panauhing pandangal sa naturang Awarding Ceremony.

“Binibigyang pagkilala natin ang ating kapulisan para sa kanilang di-matatawarang pagtupad sa tungkulin upang maisakatuparan ang isang maayos at mapayapang komunidad. Makakaasa po kayo na higit pang pagbubutihan ng PNP ang mapaglingkuran ang ating pamayanan.” –PCOL SOLIBA

piobatangasppo

TeamPIO





Leave a comment

Trending