Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang isang security guard matapos nitong mang-holdup sa 7 11 sa Cabuyao kaninang madaling araw Nobyembre 15, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang suspek na si alyas Razul, security guard na residente ng Guinyangan, Quezon.

Ayon sa report ng Cabuyao City Police Station, bandang alas-6:20 ng umaga ng Nobyembre 15, 2022, dumating sa istasyong ang mga arresting officer na sina BPSO Noel De Lara, BPSO Delfin Antioqia, BPSO Danilo Llagas at BPSO Eric B. De Juan at itinurn-over ang nasabing suspek para sa Robbery.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon na dakong 4:30 AM ng Nobyembre 15, 2022, pumasok ang suspek sa nasabing convenient store at bumili ng cup noodles. Pagkatapos nito, ang suspek na armado ng kutsilyo, pumasok sa counter at itinutok ang kutsilyo kay Ricardo Calimoso y Ordonio, duty crew, at sinabihan siyang buksan ang cash register machine at pinadapa sa sahig.

Pagkatapos nito, kinuha ng suspek ang ang laman ng kaha na nagkakahalaga ng Tatlong Libo Limandaan Limampu’t Pitong Piso (Php 3, 057.00). Agad namang umalis ang suspek sa establisyimento at sumakay ng pampasaherong jeepney patungong Calamba City.

Sinundan ng crew ang suspek habang sumisigaw ng tulong na nagresulta sa pagkakaaresto sa nasabing suspek at nakarekober sa kanyang posisyon at nakontrol ang nasabing ninakaw na pera.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Cabuyao CPS ang naarestong suspek at hinahanda naman ang kasong kriminal laban sa mga suspek.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Ang mabils na pagtugon ng ating force-multipliers at pamayan ay aking kinokomenda. Ang sama-sama nating pagtugon laban sa lahat ng uri ng krimen ay ang ating daan para sa kaayusan at kapayapaan tungo sa kaunlaran ng lalawigan.#gtgtalampas

LifeIsBeautiful

KaligtasanNyoSagotKo

#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#pnp4a





Leave a comment

Trending