Pulis Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang Rank no. 5 City Level Most Wanted Person sa Manhunt Operation ng Sta. Rosa CPS kahapon Nobyembre 16, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang akusado na si alyas Antonio na residente ng Sta. Rosa City, Laguna.

Sa ulat ng Sta. Rosa City Police Station nagkasa sila ng isang manhunt operation sa ganap na 9:40 ng umaga Nobyembre 16, 2022 sa Brgy. Tagapo Sta. Rosa City, Laguna nanagresulta sa pagka aresto ng akusado sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hon. Gil Jude Franco Sta Maria Jr, Presiding Judge, RTC, Sta Rosa City, Laguna noong Nobyembre 10, 2022.

Nahaharap ang akusado sa kasong Acts of Lasciviousness na nakapaloob sa RA 7610 o “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.” na may pyansang rekomendang nagkakahalagang Php 180,000.00 .

Ang aretadong akusado ay kasalukuyan nasa kustodiya ng Sta. Rosa CPS habang ang korteng pinagmulan ng Warrant of Arrest ay iimpormahan sa pagkaaresto ng nasabing akusado.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio ““Salamat po sa mga mamamayan ng Laguna sa mga impormasyong binibigay ninyo sa ating mga himpilan ay mabilis na naaaresto ang mga nagtatago sa batas isang patunay na maganda ang samahan ng pulis at mamamayan.”#gtgtalampas
#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#pnp4a https://www.facebook.com/piolagunappo/posts/508365454668347





Leave a comment

Trending