Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang isang Street Level Individual sa ikinasang buy-bust Operation ng Biñ CPS kaninang madaling araw.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang suspek na si alyas Ruel na nakatira sa Biñan City, Laguna.

Ayon sa report ng Biñan City Police Station nagsagawa sila ng anti-illegal drugs buy bust operation kaninang madaling araw sa may Mercado St. Brgy. Platero, Biñan City, Laguna na nag resulta sa pagkaaresto ng suspek matapos magbenta ng hinihinalang illegal na droga sa poseur buyer.

Nakumpiska sa suspek ang tatlong (3) pirasong plastic sachet ng hinihinalang illegal na droga at may timbang na 1.6 na gramo at nagkakahalaga ng Php 10,400, isang (1) coin purse na may lamang Php 200 pesos, at narekober naman ang buy bust money sa suspek.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Biñan CPS ang naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination at nahaharap ang mga suspek sa kasong R.A 9165 Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio ““Sa Laguna PNP patuloy lang tayo sa mga operasyon kontra droga para sa kinabukasan ng mga kabataan dahil ang droga ang pinagsisimulan ng mga kremin at karaniwang mga kabataan ang biktima tutuldukan na natin ang mga ganitong gawain.” #gtgtalampas

#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
|#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#pnp4a





Leave a comment

Trending