Arestado ang isang hardinero na nadakip ng pinagsanib na pwersa ng Padre Garcia Municipal Police Station, OPD DEU, 1st PMFC at RID/RSOU noong Nobyembre 18, 2022 sa Padre Garcia, Batangas.


Ayon sa ulat ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director PCOL PEDRO D SOLIBA kay Police Regional Office CALABARZON Regional Director PBGEN JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR., nakilala ang naarestong si Marco Amparo y Valdez, 29 taong gulang, may asawa, at residente ng Brgy Bukal, Padre Garcia, Batangas.
Nabatid na pasado alas 8:11 ng umaga ng salakayin ang bahay ni Amparo sa bisa ng search warrant na ipinalabas ng RTC Branch 87, Rosario, Batangas sa kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591.

Lumalabas na ang suspek na si Amparo ay dati ng may kaso na may kaugnayan sa iligal na droga sa probinsiya Quezon.


Kabilang sa mga nakumpiska sa kanya ay ang isang (1) improvised plastic tooter, dalawa (2) Air Gun Rifle, dalawa (2) Caliber 9mm Pistol Replica, Q1 cal.38 revolver, apat (4) pirasong live ammunition ng cal.38, isa (1) transparent plastic knot tied na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, tatlo (3) transparent plastic sachet, isa (1) small at large digital scale, at isa (1) kulay asul na pouch.

Ang nakuhang droga ay tumitimbang ng humigit kumulang sa 123 gramo at nagkakahalaga ng P836,400.00 pesos.
Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Padre Garcia Police Station Custodial Cell kung saan nahaharap ito sa paglabag sa kasong RA-9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).


“Ang aming opisina ay mahigpit na pinapatupad ang agresibong panghuhuli sa illegal na pagmamay-ari ng baril at nagpapakalat ng droga, na nagdudulot ng mga karahasan at kriminalidad. “Ang kaligtasan ng aming komunidad ay ang pinakamahalaga, at hindi namin kukunsintihin ang marahas na kriminal na pag-uugali”. PCOL SOLIBA

###piobatangasppo
###TeamPIO





Leave a comment

Trending