Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang Most Wanted Person Regional Level sa Kasong Lascivious Conduct sa manhunt operation ng Calamba PNP kahapon Nobyembre 19, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang akusado na si alyas Edgar na nakatira sa Sta. Ana, Manila.

Ayon sa report ng Calamba City Police Station nagkasa sila ng manhunt operation na nauwi sa pagkaaresto ng akusado kahapon Nobyembre 19, 2022 sa ganap na 12:05 ng tanghali sa bisa ng warrant of arrest.

Nahaharap ang akusado sa kasong kriminal na Lascivious Conduct Sec. 5 (B) OF RA 7610 Special Protection Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act (5 Counts) na isinampa noong Nobyembre 9, 2022 na may nirerekomendang pyansa na aabot sa Php 180,000 na inisyu ng Family Court Br. 8, Calamba City, Laguna.

Ang arestadong akusado ay kasalukuyan nasa kustodiya ng Calamba CPS habang ang korteng pinagmulan ng Warrant of Arrest ay iimpormahan sa pagkaaresto ng nasabing akusado.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “di titigil ang mga kapulisan ng laguna na madakip ang mga nagkakasalang tao para sa ika-aayos at sa siguridad ng mamamayan ng Laguna. #gtgtalampas





Leave a comment

Trending