Sa ulat ni PCOL PEDRO D SOLIBA, Provincial Director ng Batangas Police Provincial Office kay PBGEN JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR, Regional Director ng Police Regional Office CALABARZON, arestado ang tatlong (3) Most Wanted Person Regional Level ngayong araw ng Linggo, Nobyembre 20, 2022 sa magkakahiwalay na manhunt operations sa Batangas.

Unang naaresto ng mga operatiba ng Batangas City Police Station kasama ang mga miyembro ng 4th Maneuver Platoon-1st Batangas Provincial Mobile Force Company si Ronald Atienza y Arbas @ “Onad”, 29 na taong gulang, tricycle driver, tubo at residente ng Brgy. Catandala, Batangas City dakong alas 7:00 ng umaga sa nabanggit na lugar sa bisa ng Warrant of Arrest sa 3 kaso ng Statutory Rape at Acts of Lasciviousness.

Sunod na naaresto ng pinagsamang pwersa ng San Pascual Municipal Police Station, Regional Intelligence Division 4A (Batangas Regional Intelligence Team/Regional Special Operations Unit), RIT Batangas, Provincial Intelligence Unit (PIU)- Batangas PPO at 3rd Maneuver Platoon-2nd Batangas Provincial Mobile Force Company (BPMFC) si Justine Dipon y Almenares, 29 na taong gulang, construction worker, at residente ng Brgy. Alangilan, Batangas City dakong alas 8:30 ng umaga sa nabanggit na lugar sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong panggagahasa. Nangyari ang naturang krimen noong May 11 at 13, 2022 sa Pallocan West, Batangas City, May 15, 2022 sa Kumintang Ibaba, at May 28, 2022 sa Brgy. Catandala, Batangas City kung saan ang biktima ay 12-anyos.

Sa Lipa City ay arestado naman ng mga operatiba ng Lipa City Police Station kasama ang pwersa ng PIU-Batangas PPO, 1st BPMFC, Regional Intelligence Unit 4A, at Regional Intelligence Unit 4B si Bryan Nao y Salmorin, 29 na taong gulang, driver tubong Bansud Oriental Mindoro, at kasalukuyang naninirahan sa Brgy 2 , Lipa City sa ganap na ika 9:10 ng umaga sa Brgy Mataas na Lupa, Lipa City sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong panggagahasa.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga nakahuling police stations ang mga akusado habang hinihintay ang pagbabalik ng mga warrant of arrest sa kani-kaniyang court of origin.

“Agad po kayong makipag-ugnayan sa awtoridad kung may mga impormasyon po kayo tungkol sa mga nagtatago sa batas nang sa gayon ay pagbayaran nila ang kanilang krimen na ginawa. Lagi pa rin po tayong mag-ingat sa lahat ng oras”.- PCOL SOLIBA
###piobatangasppo###

###TeamPIO





Leave a comment

Trending