Inanunsyo ng San Pablo City Health Updates ang pagbibigay ng libreng flu vaccine ngayong Nobyembre 25, Biyernes.

Sa pakikipag-tulungan ng naturang opisina sa Provincial Government ng Laguna, Provincial Council for the Protection of Children, Provincial Health Office at Provincial Social Welfare and Development Office naisakatuparan ang programa.

Maaaring magpa-rehistro sa libreng flu vaccine ang mga edad 18 taong gulang pataas, walang anumang bakuna gaya ng anti-rabies, COVID-19 vaccine sa nakalipas na 14 na araw, at walang anumang sintomas ng ubo, sipon o lagnat.

200 slots ang ibinigay para sa lungsod ng San Pablo. Maaaring magpa-rehistro sa link na https://forms.gle/4QGELanrzp7kEpe89 para sa mga interesado. | via San Pablo City Health Updates (PIA)





Leave a comment

Trending