Ayon sa ulat ni PCOL PEDRO D SOLIBA, Provincial Director, Batangas PPO, kay PBGEN JOSE M NARTATEZ JR, Regional Director, PRO CALABARZON, huli ang isang ginang sa checkpoint na isinagawa ng Talisay PNP noong 11:45 ng umaga ng Nobyembre 21, 2022 matapos itong magsuot ng damit ng pulis.

Si Vanessa Mago y Teope, 36 taong gulang, tubong Naga City Bicol, at kasalukuyang naninirahan sa Sto. Tomas, Batangas ay arestado matapos mabigong makapagpakita ng katunayan na siya ay miyembro ng kapulisan.

Si Mago ay nakasuot ng Olive Drab na may marking “PULIS” habang ang kanyang pang-ilalim ay jogging pants at athletic shoes na sa pamantayan ng PNP ay hindi pasok sa Tamang Bihis.

Nang maberepika sa Talisay MPS, si Mago ay mayroong existing warrant of arrest sa kasong Kidnapping and Serious Illegal Detention with and Violation of PD 1829 na ini-issue ni Hon Judge Pedro M Redoña, Presiding Judgengf RTC Branch 63, Calabanga, Camarines Sur.

Ang warrant of arrest ay inihain ng kapulisan ng Talisay kasama ang RID 4A – RIT Batangas, Calabanga MPS, Camarines Sur (PRO5), PNP IMEG Luzon Field Unit 4A and PNP Maritime Monitoring Post, Talisay, Batangas.


Ang suspek ay sasampahan rin ng kasong paglabag sa Article 177 and 179 of the RPC (Usurpation of Authority & Illegal Use of Uniform or Insignia).


“Atin pong ipinapaalala sa publiko na bawal isuot ng sibilyan ang anumang kasuotan o gamit na naktakda lamang gamitin ng kapulisan.” – PCOL SOLIBA. piobatangasppo TeamPIO





Leave a comment

Trending