ANGONO | Idineklarang Special Non-Working Holiday sa bayan ng Angono bukas, ika-23 ng Nobyembre kaya naman mas masaya at makulay na maipagdiriwang ng mga mamamayan ang Higantes Festival sa kanilang bayan.

Sa bisa ng Proclamation No.98 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin, binibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na makilahok sa mga aktibidad na may kinalaman sa okasyon subalit kailangang masiguro na mahigpit pa rin na maipapatupad ang pagsunod sa lahat ng mga itinalagang minimum health protocols kontra Covid-19.

Kaugnay nito, maaari naman umantabay ang publiko sa mga anunsyo ng lokal na pamahalaan para sa iba’t ibang mga aktibidad na inihanda para sa nasabing pagdiriwang. | via Jeri Mae Calderon Facebook page





Leave a comment

Trending