Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang dalawang (2) Street Level Individual sa ikinasang buy-bust Operation ng Bay MPS kahapon Nobyembre 22, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga suspek na si alyas Darwin at alyas Junnelita.

Ayon sa report ng Bay Municipal Police Station nagsagawa sila ng anti-illegal drugs buy bust operation kahapon Nobyembre 22, 2022 sa ganap na 6:45 ng gabe sa may Brgy. Dila, Bay, Laguna na nagresulta sa pagka aresto ng mga suspek matapos magbenta ng hinihinalang illegal na droga na poseur buyer kapalit ang buy bust money.



Nakumpiska sa mga suspek ang limang (5) pirasng plastic sachet ng hinihinalang illegal na droga, isang (1) coin puese na naglalaman ng Php 5,000, isang (1) unit Igram 1411 Cal. 9mm na may serial no:827704, isang (1) pirasong magazine, labing walong (18) piraso ng bala ng 9mm, isang (1) Granada, isang (1)ng DIZO Cellphone, isang (1) unit ng Toyota Revo with Plate number WPW 576, at narekober naman ang buy bust money sa mga suspek.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Bay MPS ang mga naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination at ballistic examination at nahaharap naman ang mga suspek sa kasong kriminal na RA 9165 Comprehensive Dangerous Act of 2002 at sasampahan naman ng hiwalay na kaso si alyas Darwin ng RA 9516 an act further amending the provisions of presidential decree no. 1866, as amended, entitled codifying the laws on illegal/unlawful possession, manufacture, dealing in, acquisition or disposition of firearms, ammunition or explosives or instruments used in the manufacture of firearms, ammunition or explosives, and imposing stiffer penalties for certain violations thereof, and for other relevant purposes.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Patuloy po ang Laguna pulis sa mga operasyon kontra droga at umasa po kayong lahat sa mga mamayan ng Laguna na hindi kami titigil para sa masligtas at mapayang Laguna.”#gtgtalampas
#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#pnp4a





Leave a comment

Trending