Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang isang indibidwal sa isinagawang buy bust operation ng Biñan PNP kahapon Nobyembre 23, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang suspek na si alyas Jeffrey na residente ng Biñan City, Laguna.

Ayon sa ulat ng Biñan City Police Station nagsagawa sila ng anti illegal drugs buy bust operation kahapon Nobyembre 23, 2022 sa ganap na 4:30 ng umaga sa may Almeda Subd. Brgy. Dela Paz, Biñan City, Laguna na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek matapos magbenta ng illegal na droga sa poseur buyer kapalit ang buy bust money.

Nakumpiska sa suspek ang limang (5) pirasong plastic sachet ng hinihinalang illegal na droga na may timbang na 2.0 gramo na may katumbas na halagang humigit kumulang na Php 13,000, isang (1) coin purse na may lamang Php 200, narekober naman sa suspek ang buy bust money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Biñan CPS ang naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination at nahaharap ang akusado sa kasong R.A 9165 Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Gusto ko pong malaman Ninyo mga taga Lalawagin ng Laguna ako at ang mga kasamahan kong kapulisan ng Laguna ay hindi mapapagod para patuloy na labanan at puksain o linisin sa iligal na droga ang inyong Lalawigan na siyang pinag mumulan ng lahat ng uri ng krimen at naniniwala po ako sa patuloy na operasyon namin laban sa iligal na droga at sa tulong Ninyo mamayan ng Laguna mabilis natin malilinis ang inyong Lalawigan.” .”#gtgtalampas
#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#pnp4a





Leave a comment

Trending