Hindi na umabot pa ng buhay sa Ospital ang Barangay Kapitan makaraang pagbabarilin ito ng dalawang hindi pa nakikilalang mga lalaki, hapon ng Nobyembre 22, 2022 sa Barangay Road ng Barangay Ayao-Iyao, Lemery, Batangas.

Sa ulat ni Batangas PPO Provincial Director PCOL PEDRO D SOLIBA kay PRO CALABARZON Regional Director PBGEN JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR, kinilala ang biktimang si Enrico Renwick Razon y Batoctoy, 59 edad, Barangay Kapitan ng Barangay District 3, Lemery, Batangas.

Batay sa report ng Lemery Municipal Police Station, dakong alas 4:50 ng hapon ng maganap ang pamamaril. Lumalabas sa imbestigasyon, sakay ang biktima ng kanyang Toyota Fortuner na kulay itim kasama ang tatlo (3) pangkasamahan niya na sina Lovely Ann Marquez y Bernardo, Rhian Rhyme Marquez y Bernardo and Tyron Rhyme Marque y Bernardo habang binabagtas ang barangay Road patungo sa kanilang bahay sa nasabing bayan nang pagbabarilin sila ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek.

Kaagad na tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Calaca gamit ang isang motorsiklo.

Ang biktima ay kaagad na dinala sa Metro-Lemery, Medical Center, pero idineklara na rin itong patay sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.
Patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon upang matukoy ang motibo ng suspek. Sa katunayan, nagbuo na rin ng komite “SITG RAZON”, upang alamin tunay na motibo at mapanagot ang mga suspek.

“Ang kapulisan ng Batangas ay nakikiramay sa pamilya at kamag- anak ng biktima at muling umaapila sa publiko na patuloy lamang na makipagtulungan at suportahan ang PNP para matuntun ang kinaroroonan ng mga suspek”. PCOL SOLIBA. piobatangasppo. TeamPIO





Leave a comment

Trending