Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang most wanted person Regional Level sa kinasang manhunt operation ng Calauan PNP kahapon Nobyemre 24, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang akusado na si alyas Danilo na Residente ng Calauan, Laguna.

Ayon sa ulat ng Calauan Municipal Police Station nagkasa sila ng manhunt operation kasama ang RIU-4A (Laguna PIT) at 4th Maneuver Platoon 1st LPMFC kahapon Nobyembre 24, 2022 sa ganap na 2:05 ng hapon sa may Brgy. Mabacan, Calauan, Laguna na nagresulta sa pagkaaresto ng akusado sa bisa ng warrant of arrest.

Nahaharap ang akusado sa kasong kriminal na Statutory Rape na walang nirerekomendang pyansa na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 35, Calamba City, Laguna.

Ang arestadong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Calauan Municipal Police Station habang ang korteng pinagmulan ng Warrant of Arrest ay iimpormahan sa pagkaaresto ng akusado.

Aton sa pahayag ni PCOL Silvio “Ang mga biktima ay makakaasa na ang Laguna Pulis ay seryoso sa pagpapatupad sa aming mga sinumpaaan tungkulin, at sa tulong ng ating mga mamayan, sama-sama natin itong mapapagtagumpayan. .”#gtgtalampas #LifeIsBeautiful





Leave a comment

Trending