Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang Dalwang (2) Personalidad sa magkahiwalay na Search Warrant operation ng Biñan Pulis kaninang umaga Nobyembre 26, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Officer-In-Charge, Laguna PPO ang mga suspek na sila alyas Ruben at alyas Romeo pawang mga ridente ng Biñan City, Laguna.

Sa ulat ng Biñan City Police Station ay nagsagawa sila ng magkahaiwalay na Search Warrant operation na nag resulta sa pagka aresto ng ni alyas Ruben ganap na 9:30 ng umaga Nobyembre 26, 2022 sa Brgy. Langkiwa, Biñan City, Laguna. Nakumpiska sa naturang suspek ang isang (1) 38 kalibre, limang (5) bala ng kalibre 38, isang (1) bala 45 kalibre at isang(1) brown bullet holder.

Samantala arestado din si alyas Romeo ganap na 9:20 ng umaga Nobyembre 26, 2022 sa Brgy. Langkiwa, Binan City, Laguna nakumpiska naman sakanya ang isang (1) improvised shotgun at tatlong (3) pirasong 12-gauge na bala.



Ang mga arestadong suspek ay nahaharap sa riklamong RA10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”. kasalukuyang nasa kustodiya ng Biñan CPS para sa mga kaukulang kaso.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Patuloy po ang operasyon ng Laguna PNP laban sa mga loose firearm. Dahil ang pagiingat po ng mga ganitong bagay ay dilikado dahil ito ay maari pang gamitin sa ibang pang krimen.”#gtgtalampas
#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#pnp4a





Leave a comment

Trending