Ni: Rommel Madrigal

Timbog ang tatlong target ng mga operatiba na kinilalang si Ryan Getope at 2 kasamahan niya na sina Marcial Corpuz at JR Quamarez matapos makabili sa kanila ng hinihinalang iligal na droga sa Purok 7, Brgy. Lawa, Calamba City, sa lalawigan ng Laguna.

Sa pahayag ng Kagawad ng nasabing barangay Chris Alday si Getope ay talagang nakalista sa drug watch list, kayat naging subject ng otoridad.

Ayon sa PDEA Agent si Getope ang itinuturo ng mga naunang nahuli na nila kung kaya nagsagawa sila ng buybust operation. Dagdag pa niya ang kubo na tinitirikan ng bahay ng suspek ang gumagamit sa pot session ng mga parokyano niya.

Nabatid na ang dalawang kasama ang look out at taga benta ni Getope lalu na pag umaalis siya sa lugar.

Itinanggi naman ng 2 suspek ang akusasyon HABANG ang Isa nilang kasama ay ayaw mag salita at umiyak na lang

Nabawi sa mga suspek ang P500 marked money, ilang sachet ng hinihinalang shabu mga may laman at ang iba ay gamit na at mga paraphernalia sa pagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Mahaharap ang tatlong suspect sa kasong RA9165 or Comprehensive Dangerous Drugs act of 2002 habang nasa kustodiya ng PDEA Regional sa Camp Vicente Lim, Mayapa, Calamba City, Laguna.





Leave a comment

Trending