Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang isang (1) lalaki sa Search Warrant operation ng Calauan Pulis kaninang umaga Nobyembre 27, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang suspek na si alyas Richil
Sa ulat ng Calauan Municipal Police Station sa pamumuno ni PLTCOL PHILIP T AGUILAR, Chief of Police Calauan MPS ay nagsagawa sila ng Search Warrant operation na nag resulta sa pagka aresto ng nasabing suspek ganap na 6:45 ng umaga Nobyembre 27, 2022 matapos makita sakanyang pag-iingat ang mga baril,grenade launcher, ibat-ibang uri ng bala at magazine.

Nakumpiska sa suspek ang isang (1) improvised M16 rifle, isang (1) kalibre 45 pistol, isang (1) kalibre 22 revolver, isang (1) 40mm grenade HE, labing-isang (11) pirasong kalibre .223 na bala, sampung (10) pirasong kalibre 45 na bala, isang (1) pirasong 12 guage shotgun na bala, isang (1) magazine ng M16 rifle, isang (1) magazine ng kalibre 45, isang (1) magazine ng kalibre 380, dalawang (2) black hard case, dalawang (2) holster at isang (1) kalibre 45 fired cartridge.

Ang arestadong suspek ay nahaharap sa reklamong RA10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”. kasalukuyang nasa kustodiya ng Biñan CPS para sa mga kaukulang kaso.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Mas paiigtingin pa po ng Laguna PNP ang mga operasyon laban sa loose firears dahil ang mganitong baril ay maaring ginamit na o gagamitin palang sa paggawa ng kremin. Makaka-asa po kayo na hanggat sa makakaya ng Laguna PNP ay gagawin naming para masigurado lamang ang kaligtasan ng mga mamamayan ng Laguna.”#gtgtalampas
#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#pnp4a





Leave a comment

Trending