Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang Rank no. 4 Most Wanted Person sa isinagawang joint manhunt operation ng CIDG RFU4A at Cabuyao CPS kahapon Nobyembre 27, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang akusado na si alyas Ely ng Nueva Ecija.

Ayon sa ulat ng Cabuyao City Police Station sa pamumuno ni PLTCOL JACK E. ANGOG, Chief of Police Cabuyao CPS nagkasa sila ng joint manhunt operation kasama ang CIDG RFU4A kahapon Nobyembre 27, 2022 sa ganap na 12:05 ng tanghali sa may San Juan Aliaga, Nueva Ecija na nagresulta sa pagka aresto ng akusado sa bisa ng warrant of arrest.

Nahaharap ang akusado sa kasong Rape na isinampa noong Oktubre 25, 2022 na walang nirerekomendang pyansa na inisyu ng Regional Trial Court Branch 108, Cabuyao City, Laguna.

Ang nasabing akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng CIDG RFU4A habang ang korteng pinagmulan ng Warrant of Arrest ay iimpormahan sa pagkaaresto ng nasabing akusado.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Ang pagkakadakip sa mga akusadong ito ay patunay na hindi tumitigil ang kapulisan ng Laguna sa pagganap sa kanilang tungkulin”.#gtgtalampas
#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#pnp4a





Leave a comment

Trending