Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang dalawang personalidad sa magkahiwalay na buy-bust operation ng Sta Cruz PNP noong Nobyembre 29, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang suspek na si alyas Tateng at alyas Kim na parehong residente Sta Cruz, Laguna.

Ayon sa ulat ng Sta Cruz Municipal Police Station sa pamumuno ni PMAJ GABRIEL A UNAY, Chief of Police Sta Cruz MPS nagsagawa sila ng anti-illegal drugs buy-bust operation noong Nobyembre 29, 2022 sa ganap na 12:10 ng madaling araw sa Purok 1, Brgy. Sto Angel Norte, Santa Cruz, Laguna na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek na si alyas Tateng matapos magbenta ng illegal na droga sa poseur buyer kapalit ang buy bust money.

Nakumpiska sa suspek na si alyas Tateng ang apat (4) na pirasong plastic sachet ng hinihinalang illegal na droga na may timbang na 0.45 gramo na may katumbas na halagang humigit kumulang na Php 3,000.00, isang (1) coin purse at Php 500.00 buy-bust money.

Samantala, arestado din sa buy-bust operation ng Sta Cruz Municipal Police Station si alyas Kim noong Nobyembre 29, 2022 sa ganap na 2:15 ng madaling araw Nobyembre 29, 2022 sa Purok 6, Brgy. Sto. Angel Norte, Santa Cruz, Laguna matapos magbenta ng illegal na droga sa poseur buyer kapalit ang buy bust money.

Nakumpiska naman sa suspek si alyas Kim ang limang (5) pirasong plastic sachet ng hinihinalang illegal na droga na may timbang na 0.25 gramo na may katumbas na halagang humigit kumulang na Php 1, 700.00, isang (1) piraso na plastic case, at Php 500.00 buy-bust money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Sta Cruz MPS ang mga naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination at nahaharap ang akusado sa kasong R.A 9165 Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Tuloy ang laban ng Laguna PNP sa illegal na droga, na sumisira sa kinabukasan ng ating mga kabataan. Ang inyung kapulisan ng Laguna ay mas lalo pang paiigtingin ang kampanya sa lahat ng uri ng krimen, upang sama-sama nating makamit ang kaayusan, kapayapaan tungu sa kaunlaran ng Lalawigan”.#gtgtalampas

LifeIsBeautiful

KaligtasanNyoSagotKo

TulongTulongTayo

MKKequalsK

PNPKakampiMo

pnp4a





Leave a comment

Trending