Kampo Heneral Paciano Rizal –Laguna PNP sa pamumuno ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO, arestado ang 74 personalidad sa One Day Laguna PNP Provincewide Anti Criminality Operations, kahapon Nobyembre 30, 2022.

Sa Anti-Illegal Drugs Operations ng iba’t ibang istasyon ng pulisya ng Laguna PNP, naaresto ang 20 drug personalities, sa naisinagawa nitong 15 operasyon sa buong probinsiya, kumpiskado naman ang 17.61 gramo ng hinihinalang shabu at 0.50 gramo ng hinihinalang marijuana na may pinagsamang kabuuang halaga na katumbas na aabot sa Php 123,370.00.

Sa Anti-Illegal Gambling Operations ng Laguna PNP ay nagresulta sa pagkakaaresto sa 45 na indibidwal sa naisinagawa nitong 19 operasyon sa buong probinsiya, at nakumpiska naman ang PHP 112,555.00 na kabuuang halaga ng bet money.

Samantala sa kampanya naman laban sa Most Wanted and Other Wanted Persons, kahapon ay nagsagawa ang Laguna PPO ng Manhunt Operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng 7 na other wanted person at sa kampanya naman sa loose firearms nakapag aresto tayo ng dalawang (2) indibidwal at meron tayong dalawang (2) na nakumpiskang loose firearms sa isanagawang dalawang (2) operation.

Ayon sa pahayag ni PCol Silvio, “Ang mga accomplishments na ito ay nagsisilbing babala sa ating mga kababayan na patuloy na gumagawa at tumatangkilik sa mga iligal na gawain, maging sa mga indibidwal na may warrant of arrest na ang lalawigan ng Laguna ay hindi ligtas na lugar upang inyong pagtaguan. Asahan po ng ating mga kababayan na ang Laguna PNP ay patuloy na ipapatupad ang mga umiiral na batas sa ating Lalawigan. #gtgtalampas
#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#PNP4A





Leave a comment

Trending